Sa ating buhay ngayon, mahalaga at parating ginagawa ang pananaliksik ikaw man ay estudyante pa lang o isang taong nagtatrabaho na. Mayroon tayong mga bagay na dapat isaalang-alang at tandaan sa paggagawa ng pananaliksik. Mayroon itong mga hakbang at mayroon ding mga iba’t ibang pamamaraan. Ang pananaliksik ay maituturing na isang mahalagang gawain dahil sa pamamagitan nito nakakatuklas tayo ng mga iba’t ibang mga bagay na maaaring makatulong sa atin. Mahalagang ating mapagaralan ang tamang pananaliksik dahil kung hindi natin ito aalamin, maaaring maging hindi tama ang kalalabasan ng ating saliksik kaya aming ipapakita sa inyo ang mga dapat isaalang-alang na iba’t ibang uri ng pamamaraan ng pananaliksik.
Pamamaraang Palarawan
Ang mga kaganapan sa pag aaral na ginagamitan ng palarawang pananaliksik ay kinapapalooban ng pagpapakahulugan, pagsusuri at paghahambing. Ang mga mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga sarbey na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap. Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap, o mga kalakarang nilinang.


Pamamaraang Historika
Ang uri ng pamamaraang ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagaaral sa mga nangyari sa nakalipas o mga kontemporaryong isyu na nangyayari sa kasulukyan. Sa paggamit ng pamamaraang ito, maaari nating mabigyang solusyon ang mga problema dahil makatutulong ang pamamaraang ito upang matukoy natin ang mga bagay na magaganda at masasama.
Pamamaraang Eksperimental
Taong 1976, sinasabi ni Gay na tanging ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tanging makasusubok sa ugnayan ng sanhi at bunga. idinagdag pa ni Ary pati ng mga kasamahan niya na ang pamamaraang eksperimental ay ang pinakasopistokadong pamamaraan ng pananaliksik.
Ang mga katangian ng pamamaraang eksperimental:
a.) ang malayang baryabol ay maaaring magbago
b.) ang lahat ng iba pang baryabol ay walang pagbabago.
c.) ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inaasahan o pinag-aaralan at isinusulat
Pagkuha ng Datos
Ang pagkuha ng datos ay pagkuha ng mga nilalaman o ng inpormasyon tungkol sa isang bagay. May iba’t ibang paraan ng pagkuha ng datos. Sa mga paraang ito makakakuha ng inpormasyon at nagkakaroon ng pananaliksik upang mahagilap ang isang bagay na nais nilang makuha. Ang mga halimbawa ng pagkuha ng datos ay :
1.) Sarbey
Ang mga sarbey na pagaaral ay ginagamit upang sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari. Ang sensus ay isang surbey na sumasaklaw sa buong targget na populasyon. Ang sarbey ay ilang bahagi lamang ng populasyon.
2.) Pag-aaral ng kaso
Ang paraang ito ay detalyadong pag aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
3.) Interbyo
Kawili wili na gawain ng pagkuha ng mga impormasyon tulong ng pagtatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong sa ginagawang pananaliksik.
4.) Internet
Pinakamalaki at pinakamalawak na gamitin ang kompyuter network, pinaguugnay nito ang milyu-milyong mga kompyuter sa buong mundo.
5.) Talatanungan/Kwestyuner
Lipon ng mga nakasulat na tanong ukol sa isang paksa. Inihanda at ipinasagot sa layuning makakuha ng mga sagot at opinyon mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik. May dalawang uri nito: Bukas na Talatanungan at Saradong Talatanungan
Sa buhay natin ngayon kailangan natin ng matinding pananaliksik dahil ang pananaliksik ay nangangalap ng mga totoong impormasyon. Ang pananaliksik ay nagagamit natin sa pang araw araw dahil nasusukat nito ang ating kakayahang maging maingat at masusi sa lahat ng bagay. Ito ay nagdadagdag gabay sa ating buhay para sa ikakaunlad ng ating kaalaman.
Group Members:
- Audrey Zamora
- Patricia Diokno
- Charmaine Maray
- Arn Olan
- Christ Aquino